BALIKAN: Ateneo, wagi kontra La Salle, kampeon sa UAAP men's basketball

ABS-CBN News

Posted at Dec 03 2017 08:36 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nanaig ang Ateneo Blue Eagles kontra karibal na De La Salle Green Archers para masungkit ang kampeonato sa UAAP Season 80 men's basketball tournament nitong Linggo.

Isang mainit na fourth quarter run ang pinakawalan ng Ateneo para tuluyang iwan ang La Salle, 88-86, at maagaw sa kanila ang korona.

Umpisa pa lang ng laban, agad ipinakita ng Blue Eagles ang determinasyon. Lumamang pa sila ng 10 sa pagtatapos ng unang quarter, 24-14.

Pagdating ng ikalawang quarter, pinilt ng La Salle na bumalik sa laban sa pamamagitan ng shooting at inside plays nina Ricci Rivero at season Most Valuable Player Ben Mbala.

Nagtapos ang unang half sa iskor na 45-38, lamang ang Ateneo.

Nagpakitang gilas ang Green Archers sa third quarter. Tumindi ang dipensa para maitabla ang iskor sa 66.

Ito ang unang kampeonato ng Ateneo makalipas ang limang taon, nang tuldukan ng La Salle ang kanilang five-peat domination.

Nagtala ng gate attendance na 22,000 sa Araneta Coliseum kung saan idinaos ang laro.

-- Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Para sa iba pang balitang pampalakasan, pumunta sa website ng ABS-CBN Sports.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.