KILALANIN: 23 anyos na kampeon sa superbike

ABS-CBN News

Posted at Oct 17 2017 08:55 PM | Updated as of Oct 18 2017 01:36 AM

Sa murang edad, marami nang napatunayan si Dashi Watanabe pagdating sa larangan ng motorcycle racing.

Limang taong gulang lang si Watanabe nang matutong mag-bike at nang tumuntong ng 23 anyos, apat na Superbike competition na ang kaniyang naipanalo.

Ang Superbike racing ang napiling sports ni Watanabe kung saan siya humaharipas ng halos 290 kilometers per hour sa racetrack. 

Alam naman ni Watanabe na hindi biro ang sports na ito kaya prayoridad niya pa rin ang kaligtasan at araw-araw siyang nag-eensayo para lalong mahasa ang galing sa pagmomotor.

Todo suporta naman kay Watanabe ang kaniyang Pinay na ina at amang Japanese.

Dahil din sa pagmamahal ni Watanabe sa motor racing, ibinabahagi niya ang kaniyang kaalaman sa aspiring racers.

Sa ngayon, puspusan ang kaniyang pag-eensayo habang hinihintay ang darating na mga kompetisyon, at hindi rin siya nagsasawa sa pagtuturo sa mga estudyante na gustong sumunod sa kaniyang yapak bilang hardcore racer.

-- Ulat ni Migs Bustos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.