TINGNAN: Peak endorser Terrence Romeo, may signature sneakers na

ABS-CBN News

Posted at Sep 29 2017 08:09 PM

Ibinahagi ni Terrence Romeo sa kanyang social media accounts ngayong Biyernes ang retrato ng sarili niyang signature sneakers para sa kumpanyang Peak.

 

A post shared by Terrence Bill Romeo (@tbvrome07) on

Binansagang TR7 version 1.0 ang pulang sapatos ng GlobalPort star point-guard na endorser ng Peak.

Base sa China ang Peak, na ine-endorso rin ng mga NBA all-stars na sina Tony Parker at Dwight Howard.

Ito umano ang kauna-unahang signature-sneaker deal ng Peak kasama ang isang Asian basketball player, ayon sa Spin.ph.

Ano ang opinyon niyo sa signature sneakers ni Romeo?

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.