WBC silver belt nasungkit ni Donaire sa panalo sa Texas

ABS-CBN News

Posted at Sep 24 2017 06:10 PM | Updated as of Sep 24 2017 10:17 PM

Tinalo ni Nonito "The Filipino Flash" Donaire si Ruben Garcia Hernandez ng Mexico upang makamit ang titulong WBC Silver featherweight champion.

Nagwagi sa pamamagitan ng "unanimous decision" si Donaire na binigyan ng mga hurado ng mga iskor na 100-90, 97-93, 99-91, lahat pabor sa Pinoy. 

Idinaos ang laban sa San Antonio, Texas sa Amerika nitong umaga ng Linggo, Setyembre 24, oras at petsa sa Pilipinas. 

Dahil sa pagkapanalo, hawak ni Donaire ang 38-4 win-loss na kartada. 

Ito naman ang ikatlong pagkatalong naitala ni Garcia Hernandez sa kaniyang karera.

Nagpaabot ng pasasalamat si Donaire sa kaniyang mga taga-suporta.

Maituturing itong "comeback win" ng the Filipino Flash na huling lumaban noong Nobyembre 2016 kontra kay Jessie Magdaleno ng Amerika.

Natalo si Donaire sa nasabing laban.

Mapapanood ang prime time telecast ng Donaire versus Hernandez, 7 p.m. sa ABS-CBN Sports and Action channel 23.

Para sa iba pang sports coverage, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.