NBA: Bagong sapatos ni Durant, simbolo ng pagtapak niya sa mga bashers

ABS-CBN News

Posted at Sep 14 2017 06:04 PM

Ebidensiya ang bagong labas na signature sneakers ni Kevin Durant na hindi siya madaling makalimot pagdating sa mga ibinabatong batikos sa kanya ng kanyang mga bashers.

Sa sapatos niyang "Nike KD 10 Finals," naka-imprenta sa insoles ang mga salitang "lame," "can't beat 'em join 'em," "traitor," "quitter" at kung ano-ano pang mga banat tungkol sa pag-alis niya sa Oklahoma City para bumuo ng super team sa Golden State.

Sa ibabaw ng mga patutsadang iyon, nakasulat sa yellow marker ang mga salitang "finals most valuable player," "2017 champs" at mga numero niya sa title series sa pagitan ng Golden State at Cleveland na nagsisilbing mic drop ni Durant kontra sa mga haters.

Maraming nagsasabing cool at awesome ang naturang kicks. Sold out nga ito nang i-release for sale online.

Pero may mga ilan ding nagsasabi na patunay ito ng kababawan o pagiging oversensitive minsan ni Durant.

"I would say that this is one of the corniest things I’ve seen in an NBA shoe in a while, but I’m not sure it matters," sulat ni Kurt Helin para sa NBCSports.com.

Bago matapos ang Agosto, nilabas ng Nike ang "KD Red Velvet" na sneakers ni Durant. Sa promotional image nito, napapaligiran ang sapatos ng mga cupcakes na kakulay nito — red velvet na may puti.

Ang kuro-kuro ay isa uli itong paraan ni Durant para buweltahan ang mga kritikong nagsasabing malambot siya at ikinukumpara siya sa cupcake

Madalas masintas ang pangalan ni Durant sa sneakers kamakailan.

Nitong lingo lang, kinausap umano siya ni Steph Curry pagkatapos batikusin ni Durant ang Under Armour, ang kumpanyang ine-endorso ni Curry.

(For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.)

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.