PBA: Ginebra coach Tim Cone sa trade kay Chris Ellis: 'He was very, very sad'

ABS-CBN News

Posted at Aug 31 2017 08:34 PM | Updated as of Aug 31 2017 09:47 PM

Isa sa mga fan favorites ng Barangay Ginebra ang high-flying guard na si Chris Ellis. File/PBA Media Bureau

Nahirapang tanggapin ng mga taga-Barangay ang pagkaka-trade ni Chris Ellis at Dave Marcelo mula sa Ginebra tungo sa Blackwater nitong Huwebes.

Nagpahayag ng panghihinayang at pasasalamat sa social media sina coach Tim Cone, Joe Devance at Mark Caguioa sa dati nilang mga kakampi.

Sa kanyang Instagram, tanging "#mood" lamang ang sinulat ni Caguioa sa kanyang post.

Nang tanungin ng isang follower niya kung masaya ba siya o malungkot, sagot lang ni Caguioa: "Kami 😥"

Sa Manila Bulletin unang lumabas ang balitang nai-trade na si Ellis at Marcelo sa Blackwater kapalit nina Art Dela Cruz at Raymond Aguilar.

Ayon sa isang source ng basketball reporter na si Dennis Principe, naniniwala ang parehong koponan na mailalabas ng mga nasabing players ang kanilang galing sa bago nilang mga team.

(For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.)

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.