Bob Arum nakipagkita kay Pacquiao sa GenSan

ABS-CBN News

Posted at Aug 11 2018 03:25 AM

Pababa ng kaniyang private jet si boxing promoter Bob Arum bago tumungo sa bahay ni Manny Pacquiao sa General Santos City Biyernes. Michael Bren Evangelio

GENERAL SANTOS CITY—Dumating sa General Santos City si Top Rank chief executive Bob Arum Biyernes ng umaga lulan ng isang private jet.

Tumuloy ang Amerikanong boxing promoter sa bahay ni Manny Pacquiao para makapag-usap sila.

Kinompirma ni Pacquiao na sandali lang sila nag-usap ni Arum, pero hindi na nagbigay pa ng detalye ang boxing world champion.

“Nag-usap lang about sa plano or wala pa namang na-finalize. Wala pa, nag-uusap pa kami, nag-uusap kami,” ani Pacquiao.

Ayon kay Pacquiao, may tentative schedule na ang laban niya ngayong Disyembre pero wala pang kalabang nababanggit.

Sariling kompanya ni Pacquiao, ang MP Promotions, ang mag-o-organisa ng laban.

Tumagal lang ng isang araw ang pagbisita ni Arum sa General Santos bago siya lumipad pabalik ng U.S. — Ulat ni Francis Canlas, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.