Puso ang nanaig: Romeo at Gilas, pinataob ang China sa FIBA Asia Cup

ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2017 08:44 PM

Tagumpay ang Gilas Pilipinas kontra China 96-87 sa FIBA Asia Cup sa Beirut, Lebanon ngayong Miyerkoles.

Lumamang ng 17 puntos ang Pilipinas, ngunit nakabawi ang China sa 4th quarter.
 
Nang lumamang ang China 87-84, doon uminit ang mga kamay ni Terrence Romeo.

Nagpakalawa ang GlobalPort point guard ng walong puntos, kasama ang dalawang 3-pointers, para mabawi ng Gilas ang kalamangan 92-87 tungo sa unang panalo nito sa torneo.

Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang ABS-CBN Sports website

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.