May sagot si Michael Jordan sa debateng 'Who's better, LeBron or Kobe?'

ABS-CBN News

Posted at Aug 03 2017 02:26 AM | Updated as of Aug 03 2017 06:06 AM

Para kay Michael Jordan, ilalagay niya ang pangalan ni Kobe Bryant sa ibabaw ni LeBron James sa listahan ng all-time NBA greats.

Ang basehan ng dating 5-time Most Valuable Player? Dami ng ipinanalong kampeonato.

"Would I rank LeBron over Kobe in terms of best of all time? No. There's something about five that beats three. Now he may be better than that, but Kobe won five championships. LeBron won three," ani Jordan sa isang youth-basketball event na ginanap kamakailan sa California. 

Si Jordan at ang 6 niyang titulo sa 6 na finals appearances ang nagsisilbing pamantayan ng mga kasalukuyang players pagdating sa basketball excellence.

Sa 7 finals appearances, nakasungkit ng 5 kampeonato si Bryant, habang 3 of 5 naman si James.

Ngunit 4 naman ang MVP awards ni James, habang 1 lang kay Bryant. Tatlo rin ang finals MVPs ni James, samantalang 2 lang kay Bryant.

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.