Fil-Am cyclist Coryn Rivera, kampeon sa RideLondon

ABS-CBN News

Posted at Jul 30 2017 08:37 PM | Updated as of Aug 04 2017 12:03 AM

Namayagpag ang Filipino-American cyclist na si Coryn Rivera sa 2017 RideLondon Classique UCI Women's World Tour. 

Pumapangatlo lang sa final stretch si Rivera pero nang magpasiklab na ang atleta sa huling sprint, tuluyang niyang naangkin ang pang-apat na World Tour win sa 2017 season. 

Bago naungusan ni Rivera, nangunguna pa ang pambato ng Germany na si Lisa Brennauer at Lotta Lepistö ng Finland sa huling 100 metro.

Nagtapos si Lepisto sa ikalawang puwesto, samantalang ikatlo naman si Brennauer. 

Nag-ambag ang pagkapanalo ni Rivera sa clean sweep ng kaniyang koponan na Team Sunweb matapos magwagi rin ang kaniyang teammate na si Leah Kirchmann sa 'sprint competition' kasabay ng kanilang overall win sa 'teams' classification.

-- May ulat ni Gretchen Ho, ABS-CBN News

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.