Pacquiao, niyaya umano si Mayweather na maglaro ng basketball

ABS-CBN News

Posted at May 10 2018 12:10 AM | Updated as of May 10 2018 02:19 PM

Personal na inimbitahan umano ni Manny Pacquiao si Floyd Mayweather Jr. para maglaro ng basketball.

Ayon kay Aquiles Zonio, liaison officer ni Pacquiao, wala pang sagot si Mayweather sa paanyaya ng senador.

“Nag-usap sila kagabi (Martes) pero hindi pa nag-confirm si FMJ,” ani Zonio sa isang panayam ng Spin.ph.

“In-invite niya maglaro ng basketball sa preseason game ng (Maharlika Pilipinas Basketball League) sa Polomolok, South Cotabato.”

Mismong si Mayweather ay interesadong makalaro sa court si Pacquiao. “Absolutely” ang tugon ng Amerikanong retired world champion nang tanungin siya ng media kung gusto niya bang mag-pick-up game sila ni Pacquiao.

Kasalukuyang nagti-training si Pacquiao sa General Santos City para sa laban niya kontra Lucas Matthyse sa Hulyo.

(For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.)

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.