PANOORIN: Milwaukee Bucks, wagi bilang troll of the day sa NBA

ABS-CBN News

Posted at Apr 22 2017 02:41 AM | Updated as of Apr 22 2017 08:38 AM

Sa inilalaro ng Milwaukee Bucks sa kanilang playoff series kontra Toronto Raptors, nagmimistulang maamong tupa ang koponan ng mga dinosaur.

Bago magsimula ang Game 3 ng kanilang serye nitong Biyernes (Huwebes ng gabi, oras sa Amerika), inulan ng kantyaw ang Raptors sa social media nang patugtugin ng BMO Harris Bradley Center, home court ng Bucks, ang theme song ng "Barney" sa player introductions ng Toronto.

Naging motivation sana ang pagto-troll ng kanilang kalaban para husayan ang kanilang laro, ngunit kabaligtaran pa ang nangyari — tinambakan ng Bucks ang Raptors 104-77 para lumamang 2-1 sa kanilang best-of-7 series.

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.