Taunang dragon boat race sa Boracay, tuloy pa rin

ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2018 02:43 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Hindi makakansela ang taunang Boracay International Dragon Boat Festival sa kabila ng nakatakdang pagsasara ng isla para isailalim ito sa malawakang rehabilitasyon.

Ayon kay Boracay Island Paddlers president Tootsie Ronnholm, tila sinuwerte sila dahil hindi aabutan ng closure ang naturang event.

"At first they (participants) were calling... We said the event will push through because it is set before the closure," ani Ronnholm.

"We're just so lucky that we have moved our festival to an early date. Usually, we have it towards the end of April and if we did that, you know, we will be hit by the closure date, which is April 26," masayang kuwento niya.

Sa Huwebes magbubukas ang isa sa pinakamalaki at pinakamatagal nang dragon boat event sa bansa at tatagal ito hanggang Sabado.

Ito na ang ika-12 na taon ng pagsasagawa ng nasabing kompetisyon, at kasabay ng clean-up, makikiisa umano sila sa pamamagitan ng kanilang "zero waste management."

 

Tinatayang 1,000 paddlers ang dadayo sa isla para makilahok sa kompetisyon.

-- Ulat ni Regi Adosto, ABS-CBN News

Para sa iba pang balitang pampalakasan, pumunta sa website ng ABS-CBN Sports.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.