PBA: Tim Cone, inaasahang makakalaro si Slaughter kontra San Miguel

ABS-CBN News

Posted at Mar 07 2018 07:29 PM

"The great equalizer" ang tawag ni coach Tim Cone kay Greg Slaughter sa paghaharap ng Barangay Ginebra at San Miguel Beer sa kanilang best-of-5 semifinal series. File/PBA Media Bureau

Inaasahan ng Barangay Ginebra na makakabalik si Greg Slaughter para sa kanilang darating na semifinals series kontra San Miguel Beer sa PBA Philippine Cup.

Kinompirma ito ni head coach Tim Cone matapos dispatsahin ng Ginebra ang Rain Or Shine 99-91 sa quarterfinals Miyerkoles.

"Our big question obviously is whether Greg is gonna play," pahayag ni Cone. 

"I would say if we're gonna play (Friday), we won't play. But given another day or two, he may play. We do expect him back some time in the series."

Nagharap sa 2017 Philippine Cup finals ang dalawang koponan, ngunit di nakalaro si Slaughter sa seryeng iyon na ipinanalo ng San Miguel, 4-1, panahon na pinagagaling pa ni Slaughter ang kaniyang ACL.

Malaki ang gagampanang papel ni Slaughter para sa Ginebra dahil siya ang aasahang itatapat kay 4-time MVP June Mar Fajardo.

Ilang laro nang absent si Slaughter dahil sa isang ankle injury.

"I hope we don't fall to far behind without him so he can make an impact," dagdag ni Cone. "That will help us equalize San Miguel, he'll be the great equalizer."

(For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.)

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.