NBA: Bagong recruit na si Jordan Clarkson, at home na at home sa Cleveland

ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2018 05:49 PM | Updated as of Feb 14 2018 06:28 PM

Pinatunayan agad ni Jordan Clarkson na perfect fit siya sa Cleveland. Cavaliers Instagram

Ngayon at nasa Cleveland Cavaliers na si Jordan Clarkson at madalas na siyang malalagay sa global spotlight, makikita na ngayon ng mas marami pang fans kung gaano talaga kahusay ang Fil-Am na combo guard.

Sa laro ng Cavs kontra Oklahoma City Thunder Martes ng gabi, ipinamalas ng 25-taong-gulang na manlalaro ang athleticism niya sa pagsalaksak sa basket at pag-atake sa depensa ng Thunder, base sa video na shinare ng NBA sa official Facebook account nito.

"We just want to come here and hit the ground running," ani Clarkson pagkatapos ng 120-112 panalo ng Cleveland sa OKC.

Nakapagbuslo siya ng 14 points sa 6 of 10 na shooting, follow-up niya sa 17 points at 3 3-pointers sa tambakang panalo ng Cavs sa Boston Celtics noong Linggo.

Nakuha ng Cleveland si Clarkson at Larry Nance Jr. nang i-trade ng Cavaliers sina Isaiah Thomas at Channing Frye sa Los Angeles Lakers.

“These guys, they welcomed us with open arms,” ani Clarkson sa isang artikulong pinost ng WKYC, isang istasyon ng TV na naka-base sa Cleveland, sa website nito.

“Even when we landed, the hours that we spent before this game, you could see that dudes really care, and it’s a cool vibe.”

Sa 3-1/2 seasons niya sa Lakers, di nakatikim ng playoffs si Clarkson, na nakalaro si Kobe Bryant nang pabagsak na ang karera ng "Black Mamba."

Ngayon at kakampi na ni Clarkson si LeBron James na nasa kalakasan pa niya, baka makaabot pa siya sa NBA Finals.

“You’re out there to win," saad ni Clarkson. 

"I know (Lebron's) got one goal. I know he’s got one goal, and he wants to win that ‘chip, so we’re just here to help, do our job.”

(For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.)