PBA: Dating rookie of the year Boybits Victoria, na-diagnose ng autoimmune disorder

ABS-CBN News

Posted at Feb 13 2018 05:58 PM | Updated as of Feb 13 2018 09:33 PM

Isa si Boybits Victoria sa mga mahuhusay na point guard na naglaro sa PBA noong dekada 90. Courtesy of Boybits Victoria's Facebook

Kasalukuyang nasa intensive care unit ngayon si Boybits Victoria matapos ma-diagnose ang dating Swift point guard at rookie of the year na may isang kakaibang uri ng autoimmune disorder.

Guillain-Barré Syndrome ang tawag sa sakit ni Victoria na maaari umanong maka-paralyze sa katawan, ayon sa ulat ng Spin.ph na kino-quote ang kapatid na si Bing Victoria. 

Naka-respirator sa ngayon si Boybits habang naka-confine sa ospital ng San Juan de Dios.

“He is still in the critical stage and your prayers, combined with our prayers will help reach God’s loving mercy and healing towards Boybits,” ani Bing sa social media post.

Naglaro si Boybits para sa San Beda bago siya drinaft ng Swift noong 1994. Tinapos niya ang kaniyang playing career sa San Miguel Beer.

(For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.)

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.