PANOORIN: Couple workout nina Aubrey at Troy

ABS-CBN News

Posted at Feb 13 2018 10:58 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ipinasilip nina Aubrey Miles at Troy Montero ang kanilang workout routine.

Kuwento nila, noon pa man, naging bonding na nila ang sports at exercise. 

"Since we started dating, ganoon na kami, until now... 'hey, hey, may ganitong workout, you wanna try it, I'll bring you there.' Sabi ko, 'sige, sige,' kuwento ni Miles.

"We also try new sports together, so we first started wakeboarding together, tapos nag-wall climbing," ani Montero.

Halos araw-araw ang workout nila at itinutulak din nila ang isa't isa na lalong pagbutihin ang fitness routine.

"We're both preparing for a couple races this year, and we're also gonna be doing the Berlin marathon so very excited about that," sabi ni Montero.

Mahigit 15 taon nang nagsasama sina Miles at Montero na unang nagkakilala sa isang noontime show. 

May dalawa na silang anak, at gusto pa ni Miles na magkaroon ng baby number three.

Para sa Valentine's Day naman, simple lang ang kanilang plano --mag-dinner at manood ng pelikula.

-- Ulat ni Dyan Castillejo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.