Marlon Stockinger: Pia is also mine

Dyan Castillejo, ABS-CBN News

Posted at Jan 19 2017 12:43 PM

MAYNILA - 'Di niya inaasahan pero sobrang happy si Marlon Stockinger sa matatamis na salita ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa kanyang pag-amin na officially, sila na nga.

"I didn't expect it. But yeah, sobrang kilig... for her to say that," aniya.

Ayon kay Marlon, kung si Pia ay masaya ay lalo na siya dahil lahat ng katangian na hinahanap niya sa isang babae ay taglay na niya.

"Obviously she's beautiful... But aside from that, she is unfiltered and really straightforward. Matalino siya, straight to the point. She is honest," aniya.

"Her eyes, wow... I feel like they're just penetrating, intimidating at first but... I feel like I can just look at them."

At tuwing magkasama, super enjoy dahil lagi raw silang tumatawa. "One thing is she is really, really funny. I didn't expect that. Instead of laughing at one another, we laugh with each other," ani Marlon.

Ayon kay Marlon, ilang taon na silang magkakilala ni Pia dahil sa common friends. Pero sa New York noong September 2015, talagang nagsimula ang kanilang relasyon.

Bilang international race car driver, naiintindihan at suportado ni Marlon si Pia sa kanyang dedikasyon sa trabaho bilang Miss Universe dahil ganoon din siya bilang atleta.

"In the last few days she is busy and I understand that... Whatever she wants to do, I understand. She's busy now and I'm happy for her success. I'm sure she would also do the same for me," aniya.

Dahil pareho silang bumibiyahe para sa kanilang career, naghahanap sila ng oras para makita ang isa't isa.

Noong bagong taon, magkasama sina Pia at Marlon sa Hawaii. Doon na rin na-meet ni Pia ang pamilya ni Marlon.

"It's so easy to like Pia. She has been perfect. What you see is what you get. She is 100% real," ani Marlon.

Bago pa lang ang kanilang relationship at inaasahan ni Marlon na mag-grow pa sila habang tumatagal.

"I'm very happy. I can't ask for more... It's just getting better and better... We haven't seen each other a lot but each time we do... it just keeps getting better," aniya. "We are enjoying what we have and we take care of it."

Kahit mayroon o walang Miss Universe crown, proud si Marlon sa kanyang Pia.

"Pia Wurtzbach is... also mine," aniya.

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.