Areas in Manila to have no water Oct. 7-8 due to repairs -- Maynilad

Maynilad Water Services, Inc.

Posted at Oct 03 2008 12:08 PM | Updated as of Oct 03 2008 08:08 PM

MAYNILAD WATER SERVICES, INC.
 
October 2, 2008
 
SERVICE IMPROVEMENT PROJECT NG MAYNILAD SA MAYNILA
 
Magsasagawa ang Maynilad Water ng pagsasaayos ng pipe network sa Maynila bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapaganda ang serbisyo sa lungsod.  Ito ay magreresulta sa pansamantalang pagkaantala ng suplay ng tubig sa ilang lugar simula 9:00 ng gabi sa Martes, Oktubre 7, 2008 hanggang 9:00 ng umaga, Miyerkules, Oktubre 8, 2008.
 
Ang service improvement project ay magbibigay-daan sa pagpapalit ng 750-mm gate valve sa C.M Recto kanto ng Legarda, Manila.
 
Ito ay magdudulot ng pangsamantalang pagkaantala ng tubig sa ilang bahagi ng Sampaloc, Sta. Cruz at Quaipo na napalilibutan ng Lascon, España, Lerma, Analucia, Bambang, Rizal Ave., Pasig River, Nepumuceno at Legarda.
 
Pinapayuhan ng Maynilad ang mga apektadong kustomer na mag-ipon ng tubig para sa itatagal ng water service interruptiom. Maari ring tumawag sa Maynilad Water Hotline 1626.