Kin of Afghan crash victims at a loss

ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2009 11:23 PM | Updated as of Jul 22 2009 12:44 PM

Sa kabila ng peligro sa Afghanistan, sinusuong ito ng ilan nating kababayan alang-alang sa hanapbuhay at pangakong malaking sahod. Pero trahedya ang sinapit ng sampung OFW sa isang US construction company sa Afghanistan nang mag-crash ang kanilang sinasakyang chopper. Ilan sa mga pamilya ng biktima, walang kaalam-alam na sa Afghanistan pala ang trabaho ng kanilang kaanak. Mula sa Cabiao, Nueva Ecija, nagpa-Patrol, Sheryll Mundo. TV Patrol World, Martes, Hulyo 21, 2009