Pagkakaligtas ng OFW sa bitay, ikinatuwa ng mga Pinoy

Rowie dela Cruz at Vivien Napeñas, ABS-CBN Middle East News Bureau

Posted at Jun 20 2017 05:22 PM

ABU DHABI, United Arab Emirates - Ligtas na sa bitay si Jennifer Dalquez matapos siyang mapawalang-sala ng korte sa Al-Ain sa salang pagpatay sa kanyang amo na Emirati noong Disyembre 2014. 

Base sa testimonya ni Dalquez, nagawa niya iyon bilang self-defense nang tangkain siyang gahasain ng amo.

“Doon sa hearing ni Jennifer Dalquez sa Appeals Court sa Al-Ain, she was acquitted for the murder of the Emirati national and she does not have to pay the blood money. That was the decision of the Court of Appeals,” pahayag ni Ambassador Constancio Vingco ng Philippine Embassy.

Nakaligtas man sa bitay, pero di pa rin puwedeng umuwi kaagad si Dalquez sa Pilipinas.

“She will be serving 5 years of imprisonment for the crime of theft, for stealing the Emirati's cell phone. But the time served will be deducted from that 5 years. Since the crime ay nangyari noong December 2014, she would have already served 2 and half years. So bale 2 and half years na lang yung remaining time that will be served in jail,” paliwanag ni Vingco.

Ikinatuwa naman ng mga Pilipino sa Abu Dhabi ang pagkakaligtas ni Dalquez sa bitay.

“It’s really a big thing sa ating mga Pilipino na nabigyan ng magandang resulta ang kaso,” pahayag ni Jenegie Ranada, isang sales associate.

Para kay Lemuel Salangsang, masaya siya dahil napawalang-sala si Dalquez dahil sa “maganda at mabilis na justice system” sa UAE.

Nagpasalamat ang embahada sa Abu Dhabi justice system sa naging desisyon sa kaso ni Dalquez.

“So, that’s good news for all of us. The justice system here in the UAE works at hindi naman nagtagal at na resolba agad ang kaso. The judicial system worked. We are happy for Jennifer and we are happy for the family of Jennifer Dalquez,” sabi ni Vingco.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.