MULTIMEDIA

School Supplies, Kasya ba sa budget mo?

ABS-CBN Investigative and Research Group

Posted at May 31 2018 02:51 PM | Updated as of May 31 2018 05:38 PM

Pasukan na naman sa darating na linggo. Kaya naman ang mga magulang at mga estudyante ay hindi na magkamayaw sa paghahanap ng mga gamit pang-eskuwela na pasok sa budget.

Noong 2015, sapat na ang budget na P139 para mabili ang 10 pangunahing gamit pang-eskuwela na nasa “Gabay sa Pamimili ng School Supplies” ng Department of Trade and Industry (DTI). 

Sasapat pa kaya ang budget na ito ngayong pasukan?

Kinuwenta ng ABS-CBN Investigative and Research Group ang average suggested retail prices (SRPs) ng 10 gamit pang-eskuwela sa listahan ng DTI sa nagdaang tatlong taon. Isinama sa kuwenta ang mga gamit na may iba’t ibang tatak subalit magkakapareho ang sukat (halimbawa, notebook na may tig-80 pahina, isang kahon ng 16 na krayola) upang makuha ang kabuuang halaga ng mga gamit pang-eskuwela kada taon. 

Tingnan sa infographic na ito kung gaano karaming gamit pang-eskuwela ang mabibili ngayong pasukan sa halagang katumbas ng P139 noong 2015.

I-click o ituro ang mouse sa bawat gamit pang-eskuwela upang makita ang SRP kada taon.