P100,000 halaga ng paputok, pailaw na nakumpiska sa Iloilo, sinira

ABS-CBN News

Posted at Dec 31 2017 03:27 PM

Tinatayang aabot sa P100,000 ang halaga ng mga firecrackers at pyrotechnic devices na nakumpiska ng mga pulis sa Iloilo. Joyce Ann Clavecillas, ABS-CBN News

Bago magsimula ang mga selebrasyon sa pagpasok ng Bagong Taon, siniguro ng Iloilo City Police Office (ICPO) na mawasak ang lahat ng kanilang nasamsam na ilegal na paputok mula sa isinagawang inspeksiyon.

Ang mga paputok at pailaw, nakumpiska noong mga nakaraang araw dahil ilegal o di kaya'y itinitinda sa hindi awtorisadong selling areas.

Tinatayang aabot sa P100,000 ang halaga ng mga firecrackers at pyrotechnic devices na nakuha ng iba't ibang istasyon ng ICPO.

Tinatayang aabot sa P100,000 ang halaga ng mga firecrackers at pyrotechnic devices na nakumpiska ng mga pulis sa Iloilo. Joyce Ann Clavecillas, ABS-CBN News

Binasa ang mga paputok at ang iba pa ay ibinabad naman sa timba ng tubig.

Ang mas malalaki at sopistikadong paputok ay kinailangang distrungkahin ng kanilang explosive ordnance disposal (EOD) team upang masiguro ang maayos na pagdispatsa sa mga ito.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa pa rin ng inspeksiyon ang awtoridad para matugis ang sino mang lalabag sa batas. --Ulat ni Joyce Ann Clavecillas, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.