Ilang aso namatay sa sunog sa QC

Ron Lopez, ABS-CBN News

Posted at Dec 30 2017 11:56 PM

Nasunog ang dalawang bahay sa Barangay Paltok, Quezon City nitong Sabado.

Namatay ang hindi bababa sa tatlong aso matapos masunog ang dalawang bahay sa Barangay Paltok, Quezon City Sabado ng gabi.

Natupok ang buong bahay na tinitirahan ng pamilya Dijanco at nadamay pa ang katabi nitong paupahang bahay.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, sumiklab ang apoy sa living room ng bahay bandang alas-9 ng gabi.

Bagamat sinubukan pa itong buhusan ng tubig ng mga residente ay mabilis itong kumalat kayat itinaas ito sa ikatlong alarma.

Naapula ang sunog alas-10 ng gabi at bagamat walang taong naitalang nasugatan ay nasunog ang ilang alagang aso ng pamilya Dijanco.

Labis ang pagtangis ng magkakapatid dahil pinangangambahang 8 sa kanilang 18 alagang aso ang naiwanan sa loob ng bahay at nasunog.

Patuloy pang inaalam ng awtoridad kung ano ang naging sanhi ng sunog at kung magkano ang halaga ng pinsala.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.