Umano'y tsunami warning sa Siocon, Zamboanga, pinasinungalingan

RJ Rosalado, ABS-CBN News

Posted at Dec 29 2017 03:12 PM

Lumikas ang daan-daang residente sa Siocon, Zamboanga del Norte matapos mapabalita na magkakaroon umano ng tsunami sa Zamboanga Peninsula.

Pero ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, walang naglalabas ng tsunami warning at hindi totoo ang sinasabing ulat na nagkaroon ng seismic activity sa lugar.

Madaling nag-panic ang mga tao dahil katatapos lamang ng flashfloods sa Siocon kung saan may 8 namatay at maraming iba pa ang nawala.