Lalaking nagtangkang magpuslit ng marijuana, timbog sa Cebu

Donna Lavares, ABS-CBN News

Posted at Dec 29 2017 08:26 AM

CEBU CITY - Arestado ang isang lalaki matapos magtangkang magpuslit ng marijuana papuntang Bohol, Huwebes ng gabi.

Inaresto ang 33-anyos na suspek na si Louie Aupe sa Pier 3 dito sa lungsod matapos makita ang marijuana sa kanyang bulsa ng kapkapan siya ng mga inspektor ng pier.

"Noong lapitan ko siya, sabi niya basura lang daw 'yun. Nung chineck ko, nakita ko 'yung marijuana na nakabalot sa bond paper," ani Bong Poquita, isa sa mga x-ray operator ng pantalan.

Giit ng suspek, ginagamit niya ang marijuana para lunasan ang kanyang "internal cyst."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.