76-anyos na lalaki, patay sa sunog sa Makati

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Dec 29 2017 02:57 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isa ang kumpirmadong nasawi sa isang sunog na naganap sa Bel-Air Village, Makati City Huwebes ng gabi.

Kinumpirma ni Supt. Roy Aguto, fire marshal ng Makati Bureau of Fire Protection, na ang namatay ay isang 76-anyos na lalaki na patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan.

"Nakita namin siya doon sa CR ng bahay nila. Nakadapa lang siya doon. Confirm na patay siya," pahayag ni Aguto.

Sumiklab ang sunog pasado alas-11 ng gabi at naapula bago mag-alas-12 ng madaling araw.

Patuloy pang iniimbestigahan ng BFP ang sanhi ng sunog at iniwang pinsala nito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.