P50,000 halaga ng paputok, nakumpiska sa Albay

Karren Canon, ABS-CBN News

Posted at Dec 28 2017 10:47 AM

Tulong-tulong na inilulublob sa tubig ng awtoridad ang mga nakumpiskang iligal na paputok sa Polangui, Albay.

Nakumpiska ng awtoridad ang nasa P50,000 halaga ng mga paputok Miyerkoles ng hapon sa Polangui, Albay.

Kasama sa mga nasamsam na paputok ay mga kahon ng piccolo at five star na kapwa bawal.

Mismong sa designated area ng tindahan ng paputok nakumpiska ang mga ito.

Kasama rin nakumpiska ang mga di naman ipinagbabawal na paputok gaya ng kwitis dahil sa market at hindi sa designated area itinitinda ang mga ito.

Tiniyak naman ng pulisya na patuloy ang operasyon laban sa iligal na paputok lalo pa’t 5 na ang naitalang biktima ng paputok sa bayan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.