Bata, sugatan matapos maputukan ng '5 star'

ABS-CBN News

Posted at Dec 27 2017 04:50 AM

Sugatan ang isang 10-anyos na lalaki matapos maputukan ng "5 star" sa Tondo, Maynila kahapon.

Nagtamo ng sugat sa kanang binti at likuran ng tuhod ang biktima.

Agad dinala sa ospital ng Tondo ang biktima upang malapatan ng lunas.

Ito ang ikalimang firecracker-related incident na naitala sa naturang ospital ngayong buwan. - ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.