ALAMIN: Saan puwedeng magpaputok sa Bagong Taon

ABS-CBN News

Posted at Dec 26 2017 09:45 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nagtalaga ang ilang lokal na pamahalaan sa Metro Manila ng mga lugar kung saan maaaring magpaputok sa Bagong Taon.

Sa Maynila, 33 lugar ang itinalagang firecracker zone o lugar kung saan maaaring magpaputok ang mga residente matapos mabigyan ng permit ng munisipyo.

Kasama dito ang: 

- 11 sa Ermita
- 9 sa Binondo
- 8 sa Malate
- 2 sa Intramuros
- 2 sa Sampaloc
- 1 sa Paco

Nasa 53 barangay naman ang itinalaga ng Quezon City Police District na puwedeng pagpaputukan sa lungsod. Hinati-hati ito batay sa istasyon ng pulis na sumasakop sa mga lugar.

• La Loma Police Station:
- San Isidro Labrador

• Talipapa Police Station:
- Balon Bato
- Baesa
- Culiat
- P. Tamo
- Sangandaan
- Tandang Sora
- Unang Sigaw

• Fairview Police Station:
- Greater Fairview
- Sta. Lucia
- North Fairview
- Greater Lagro
- Kaligayahan

• Batasan Police Station:
- Old Balara
- Holy Spirit
- Batasan Hills
- Commonwealth
- Bagong Silangan
- Payatas

• Project 4 Police Station:
- Bayanihan
- Blue Ridge A
- Camp Aguinaldo
- Diquino Zobel
- Escopa 2
- Escopa 3
- Escopa 4
- Marilag
- Mangga
- Milagrosa
- Tagumpay
- Villa Maria Clara

• Anonas Police Station:
- UP Village
- Sikatuna Village
- Krus na Ligas
- Pansol
- Botocan
- Malaya
- TV East
- TV West
- Loyola Heights
- Old Capitol Site
- Quirino 2A
- Quirino 2B
- Quirino 2C
- Quirino 3A
- UP Campus
- Claro
- West Kamias
- East Kamias
- San Vicente
- Amihan
- Duyan-duyan

• Galas Police Station:
- Santol

Pitong lugar naman ang itinalaga na mga firecracker at fireworks display area sa Mandaluyong:

• Gen. Kalentong, sa tapat ng Market Place, Barangay Pag-asa
• Kahabaan ng Coronado Street sa tabi ng Pasig River, Barangay Hulo
• Vida Court, Barangay Barangka Ibaba
• Labasan Court, Barangay Barangka Ibaba
• Kahabaan ng Riverside MRR Tract Street, Barangay Barangka Ibaba
• Tapat ng barangay hall, Barangay Barangka Ilaya
• Tabi ng Pasig River

Mayroon namang walong firecracker zone sa Valenzuela City:

• City Hall Complex-People's Park, Barangay Karuhatan
• Rosal Street, Barangay Tagalag
• Salvador Street, Barangay Bisig
• Lagman Street, Barangay Coloong
• F. Andaya Street, Barangay Balangkas
• F. Andaya Street, Barangay Wawang Bato
• Vacant Lot D, Bonifacio Street, Barangay Canumay East
• Miranda Street, Barangay Paso de Blas

Itinalaga ring community fireworks display zone ang Marikina Sports Complex at Riverbanks sa Marikina, at Pinaglabanan Shrine sa San Juan.

Tuluyan namang ipinagbawal ang pagpapaputok sa mga siyudad ng Pasig, Las Piñas, Muntinlupa at Taguig.

Alinsunod ang mga firecracker at fireworks display area sa Executive Order No. 28 na ipinalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hunyo upang limitahan ang paggamit ng mga paputok.

Sa ilalim ng kautusan, kailangan ding may nakahandang medical staff at firefighting equipment sa lugar kung saan magdaraos ng community fireworks display.

Malayo dapat ito sa mga residential area, paaralan, communication at electrical facilities, at gasoline station.

Dagdag pa ng PNP Firearms and Explosives Office, dapat lisensiyado ng pulisya ang organizer o operator ng fireworks display.

Muli ring nagpaalala ang mga awtoridad sa mga ipinagbabawal na paputok:

• Super lolo
• Whistle bomb
• Goodbye Earth
• Atomic big triangulo
• Piccolo
• Judas belt
• Watusi

-- Ulat nina Bianca Dava at Ron Lopez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.