Pasko sa bangka: Ilang pamilya binaha sa Davao

ABS-CBN News

Posted at Dec 25 2017 11:38 AM

MANILA- Sinalubong ng 6 na pamilya sa Davao City ang Pasko sa isang bangka matapos bahain ang kanilang mga bahay dahil sa pananalasa ng bagyong "Vinta."

Nagkasya ang 6 na pamilya mula sa Barangay 19-B ng Davao sa isang bangka matapos tuluyang masira ang kanilang mga bahay dahil sa pagbahang dala ng bagyo.

Tinatayang nasa 2,000 inidibidwal mula sa 4 na purok ng barangay ang pansamatalang nanunuluyan sa mga jeep at sa Dizon Elementary School matapos ang pagbaha.

Namahagi naman ng paunang tulong at nagpakain na rin ang mga opisyal ng barangay at ng lokal na pamahalaan ng Davao sa mga bikitma ng bagyo.

Nasa 200 katao ang namatay sa mga pagbaha at pagguho ng lupa sa Mindanao dahil sa pananalasa ng bagyong Vinta noong nakaraang linggo.

Tinataya namang nasa higit 40,000 katao ang lumikas at pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation center.

-ulat ni Paul Palacio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.