Paolo Duterte, nagbitiw bilang vice mayor ng Davao City

ABS-CBN News

Posted at Dec 25 2017 02:46 PM | Updated as of Dec 25 2017 03:26 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nagbitiw na bilang vice mayor ng Davao City si Paolo Duterte.

Sa isang pahayag, sinabi ni Duterte na epektibo ngayon ding araw ng Pasko, Disyembre 25, ang kaniyang pagbibitiw.

Aniya, nagbibitiw siya sa ngalan ng "delicadeza."

Binanggit din ni Duterte ang ilang insidenteng nangyari sa kaniyang buhay kamakailan na konektado sa nabigong pagsasama nila ng unang asawa.

Kabilang na raw dito ang pagkadawit ng kaniyang reputasyon sa maanomalyang smuggling case sa Customs at ang away nila ng anak na si Isabelle Duterte sa social media.

Dagdag pa ni Duterte, bunga ito ng kaniyang pag-aasawa sa napakabatang edad.

Nagdesisyong siya ngayong magbitiw para protektahan na rin ang kaniyang dangal at ng mga anak.

Bago nito, nagpaabot din ng pakikisimpatya si Duterte sa mga nasalanta ng bagyong "Vinta."

Narito ang buong pahayag ni Duterte:

Good Morning.
I would like to extend my deepest sympathies to all the families who lost a loved one, those who lost their jobs and those who were affected by the floods because of typhoon Vinta.

It is a difficult Christmas day for many Dabawenyos including myself but we are strong and resilient and we shall move forward.

There are recent unfortunate events in my life that are closely tied to my failed first marriage. These, among others, include the maligning of my reputation in the recent name dropping incident in the Bureau of Customs smuggling case and the very public squabble with my daughter. The other person in this failed relationship is incorrigible and cannot be controlled. And I take responsibility for all that has happened as a result of a wrong
decision to marry at a very young age.

When I was growing up my parents never failed to remind us of the value of the time honored principle of delicadeza and this is one of those instances in my life that I need to protect my honor and that of my children.

I am grateful to all the Dabawenyos for your support to my office and I look forward to the day that I will be able to serve our country again.

I hereby tender my resignation as Vice Mayor of Davao City effective today December 25, 2017

Thank you.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.