ALAMIN: Dagdag-sahod sa may pasok sa holiday

ABS-CBN News

Posted at Dec 25 2017 09:25 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Habang nagno-Noche Buena ang karamihan sa kanilang mga tahanan nitong Linggo ng gabi, may ibang hindi kasama ang pamilya dahil sa kanilang trabaho o tungkulin. 

Kaugnay nito, nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer na sundin ang patakaran sa pasuweldo para sa mga papasok ng holiday.

Paalala ng DOLE, double pay dapat ang lahat ng papasok ngayong Disyembre 25, Rizal Day sa Disyembre 30, at sa New Year's Day.

Kapag naman mag-o-overtime, may dagdag dapat na 30 porsiyento sa kanilang hourly rate. 

Samantala, buo pa rin anila dapat ang suweldo ng mga hindi papasok.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.