Aquino at 8 iba pa, inilagay sa immigration lookout bulletin

ABS-CBN News

Posted at Dec 24 2017 08:30 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Naglabas ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban kay dating Pangulong Benigno Aquino III at walong iba pa matapos ireklamo ng Gabriela at ilang magulang dahil sa kontrobersiya sa Dengvaxia.

Bukod kay Aquino, kabilang din sa mga pinababantayang hindi lumabas ng bansa sina dating health secretary Janette Garin, dating budget secretary Butch Abad, at former executive secretary Paquito Ochoa Jr.

Kasama rin sa listahan sina Guillaume Leroy, Olivier Brandicourt, Ruby Dizon, Thomas Triomphe, at Carlito Realuyo.

Ayon sa Department of Justice (DOJ), maaari umano kasing lumabas ng bansa sina Aquino at iba pa para takasan ang reklamo.

"Considering the gravity of the possible offenses which may have been committed, there is a strong probability that they may attempt to place themselves beyond the reach of the legal processes of the government by leaving the country," nakasaad sa order.

Biyernes nang magsampa ng reklamo ang Gabriela sa Ombudsman kaugnay ng P3.5 bilyong dengue vaccination program.

Naging kontrobersiyal ang bakunang Dengvaxia matapos lumabas sa pag-aaral ng Sanofi Pasteur na maaaring magkaroon ng mas malalang impeksiyon ang mga naturukan nito na hindi pa nagkakaroon ng dengue. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.