#WalangPasok: Disyembre 22, Biyernes

ABS-CBN News

Posted at Dec 21 2017 05:34 PM | Updated as of Dec 21 2017 09:58 PM

Walang pasok sa sumusunod na lugar sa Biyernes, Disyembre 22, dahil sa bagyong 'Vinta':

LAHAT NG ANTAS

• Butuan City

• Agusan del Sur

Sa weather bulletin ng PAGASA, alas-8 ng gabi, namataan ang bagyong Vinta sa layong 130 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Mayroon itong lakas na 85 kilometro kada oras (kph) at bugso ng hanging aabot sa 120 kph.

Inaasahan ang landfall nito sa rehiyon ng Caraga-Davao sa pagitan ng Huwebes ng gabi at Biyernes ng umaga.

I-refresh ang pahinang ito para sa updates.

Bumisita rin sa ABS-CBN Weather Center para sa updates tungkol sa lagay ng panahon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.