Magkaklaseng dalagita, ginahasa ng 2 ka-eyeball matapos malasing

ABS-CBN News

Posted at Dec 20 2017 12:27 PM | Updated as of Dec 20 2017 02:09 PM

Dalawang 18 anyos na lalaki ang kasalukuyang nakakulong sa San Fabian, Pangasinan matapos ireklamo ng panggagahasa ng dalawang dalagita na edad 15 at 16 taong gulang.

Sa salaysay ng mga biktimang magkaklase at kapwa grade 10 students, Disyembre 15 nang makipag-eyeball sila sa mga lalaking nakilala lang nila sa social media.

Ngunit pagdating sa bahay ng ka-eyeball bandang 11:00 ng umaga, nandoon na raw ang dalawang suspek na nag-iinuman.

Maya-maya pa ay iniwan daw sila ng kanilang ka-eyeball.

Nang malasing ang dalawang dalagita, doon na raw sila ginahasa ng mga suspek.

Agad nagsumbong ang magkaklase sa opisyal ng Brgy. Nibaliw East kaya nahuli ang mga suspek.

Bago ang insidente, lumiban daw sa Christmas party ang dalawang dalagita at hindi nagpaalam sa mga magulang.

Nasa kustodiya na ngayon ng kanilang mga magulang ang mga dalagita matapos makaranas ng trauma.

Tumanggi naman magbigay ng pahayag ang dalawang suspek na nahaharap sa kasong rape.

--Ulat ni John Germono, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.