Sekyu arestado sa panggagahasa umano sa menor de edad

ABS-CBN News

Posted at Dec 16 2017 02:18 PM

Iniharap sa media ni Senior Supt. Jemar Modequillo, hepe ng Caloocan City Police, ang itinuturing na ika-6 na "most wanted" kriminal sa lungsod na si Juanito Santos matapos maaresto sa isang operasyon.

Nahaharap sa kasong rape ang 56-anyos na suspek matapos umano manghalay ng isang menor de edad.

Dalawang beses aniyang ginahasa ni Santos sa kaniya mismong tahanan ang 16-taong gulang na dalagita.

Walong buwang buntis ngayon ang biktima at humihingi ng hustisya. 

Depensa naman ni Santos na isang security guard, hindi totoo ang akusasyon laban sa kaniya. 

Nakakulong na ngayon ang suspek sa headquarters ng Caloocan City Police. --Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.