Higit 50 katao, dinampot dahil sa pag-inom sa kalye at paglabag sa curfew

ABS-CBN News

Posted at Dec 16 2017 05:50 AM

Mahigit 50 katao ang dinampot ng pulisya sa ikinasang anti-criminality operation sa Quezon City Biyernes.

Sa mga nahuli, 33 nito ay umiinom sa pampublikong lugar, habang 17 na menor de edad naman ang lumabag sa curfew.

Timbog din ang 2 tao na hinihinalang may dalang ilegal na droga, habang 2 ang inaresto dahil may warrant of arrest.

Ayon kay PO2 Maricel Bulambao ng Quezon City Police District Station 6, huhulihin pa rin nila ang lalabag sa mga ordinansa kahit na Christmas season.

Aniya pwede naman umanong magsaya sa loob ng bahay basta huwag lang masyadong mag-ingay. - ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.