JV naniniwalang di dapat isisi kay Aquino ang pagbili ng dengvaxia

ABS-CBN News

Posted at Dec 15 2017 02:35 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Naniniwala si Senate Committee on Health and Demography chair JV Ejercito na maaaring in good faith o maganda ang layunin ni dating pangulong Benigno Aquino III nang nagdesisyon ito na bumili ng mga dengue vaccine na nagkakahalaga ng P3.5 billion.

Giit ni Ejercito, nakadepende ang Pangulo sa mga pinuno ng kagawaran pagdating sa mga importanteng pagpapasya. 

Maaaring hindi naibigay kay Aquino ang kumpletong impormasyon tungkol sa Dengvaxia noong nasa panunungkulan pa siya bilang pangulo, dagdag ni Ejercito.

Ayon sa senador, nalabuan siya sa paliwanag ni dating Budget Secretary Florencio Abad kung bakit hindi inilakip sa opisyal na budget ang P3.5 bilyon na program ng gobyerno kontra dengue.

Sa paliwanag ni Abad, ang pondo ay galing sa savings o mga pondong hindi nagamit. 

Sabi ni Ejercito, maliwanag na may iregularidad sa pag gamit ng miscellaneous and personal benefit fund ng ehekutibo para pondohan ang pagbili ng Dengvaxia.

- ulat ni Zandro Ochona, ABS-CBN News.