6 sugatan sa salpukan ng jeep at 'skates'

Rizza Mostar, ABS-CBN News

Posted at Dec 13 2016 09:14 PM

NAGA CITY - Anim ang sugatan sa pitong pasahero ng "skates" matapos itong banggain ng isang pampasaherong jeep Martes ng umaga. 

Nakatakdang tumawid ng riles ang skates sa Almeda Highway sa Barangay Concepcion Pequeña nang magpang-abot sila ng jeep. 

Ayon sa drayber ng jeep na si Francisco Losiño, nawalan siya ng preno pero ayon naman sa drayber ng skates na si Francisco Tipones, mabilis lang talaga ang takbo jeep dahilan para tumilapon ang kanyang mga pasahero. 

Agad namang naisugod sa ospital ang mga sugatan sa insidente. 

Hindi pinapayagan ng pamunuan ng Philippine National Railway (PNR) ang skates sa riles pero patuloy itong tinatangkilik ng mga residente dahil ito ang pinakamadaling paraan ng transportasyon para sa ilang residenteng nakatira sa tabi ng riles.