Jardeleza, tinawag na 'hudas sa bayan' si Sereno

Miguel Dumaual, ABS-CBN News

Posted at Dec 12 2017 12:25 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Tinawag na "hudas sa bayan" ni Supreme Court Associate Justice Francis Jardeleza si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa impeachment hearing sa Kamara laban sa punong mahistrado nitong Lunes.

Ipinaliwanag ni Jardeleza sa House Justice Commitee ang dahilan kung bakit hinarang noon ni Sereno ang kanyang pagkakasama sa shortlist ng pagiging mahistrado noong 2014.

Ayon kay Jardeleza, may kinalaman ito sa kanyang "diskarte" bilang solicitor-general sa pagdala ng kaso ng Pilipinas sa United Nations Arbitration sa West Philippine Sea.

Ikinuwento rin ni Jardeleza kung paanong nagkaroon ng debate sa loob ng grupo ng mga delegado ng Pilipinas noon, kabilang ang ilang Amerikanong abugado ng bansa, hinggil sa pagtanggal ng 14 na talaga sa dokumentong isusumite ng Pilipinas.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.