Construction worker, pinaslang ng riding-in-tandem

April Rafales, ABS-CBN News

Posted at Dec 11 2016 09:48 AM

MANILA - Dead on the spot ang isang construction worker matapos umanong pagbabarilin ng apat na naka-motorsiklong suspek sa Payatas, Quezon City, Linggo.

Nakilala ang 26-anyos na biktimang si Jykrry Enad.

Kwento ni Jessie, ama ng biktima, nakatambay ang anak sa labas bahay ng mga barkada at tiyuhin dito sa Phase 3, Block 3 nang pagbabarilins siya ng mga suspek na sakay ng dalawang motorsiklo.

Inamin ng ama na gumagamit si Enad ng iligal na droga at kamakailan lamang ay sumuko ito sa Oplan Tokhang ng pulisya.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis ukol sa krimen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.