Rambulan sa tapat ng barangay, nag-ugat sa asaran

ABS-CBN News

Posted at Dec 08 2017 12:49 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nakuhanan ng CCTV ang suntukan at sabunutan sa pagitan ng dalawang grupo sa harap ng isang barangay hall sa Caloocan City nitong Huwebes ng madaling araw.

Nagkasalubong umano ang mga sangkot sa kalye at nag-asaran dahil sa kalasingan.

Nang mapikon, nagsimula nang magsuntukan at sabunutan ang mga sangkot.

Nahagip pa ng CCTV Barangay 72 ang mainit na sagutan ng dalawang panig.

Hindi pa rin nagpapigil ang mga sangkot kahit nagtulungan na ang mga tauhan ng magkakaibang barangay para sila'y awatin.

Hindi sila nagpatinag maging sa mga pulis.

Kasama sa gulo ang tatlong lalaking kinilalang sina Romeo Dognidon, Raymart Asahan, at isang alyas "Tito."

Kasagutan nila ang pamilya nina Analyn Rosales at Erick Lim.

Nagkaharap sa barangay ang magkabilang panig at nangakong makikipag-areglo.

Payo ng mga taga-barangay na mag-hinay sa pag-inom ng alak at huwag nang mang-asar sa iba kung hindi naman kabiruan.

-- Ulat nina Kristine Sabillo at Oman Bañez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.