4 arestado sa panghoholdap sa taxi

ABS-CBN News

Posted at Dec 08 2017 10:29 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Arestado ang apat na lalaki matapos holdapin umano ang isang taxi sa Barangay Tipas sa Taguig City.

Ayon sa taxi driver, pinara siya ng grupo sa Shaw Boulevard sa Mandaluyong at nagpahatid sa Taguig.

Pilit umano siyang pinadadaan sa madilim na lugar at tinutukan siya ng baril at patalim ng grupo saka nagdeklara ng holdap pagkarating sa Barangay Tipas. 

Nakakita naman ng nagpapatrolyang pulis ang driver at tumalon siya sa kotse para humingi ng tulong.

Agad naaresto ang apat habang nakatakas ang dalawa nilang kasama.

Nabawi sa kanila ang isang pekeng baril at dalawang patalim.

Depensa naman ng mga suspek, kinulang lang sila ng pamasahe at walang balak holdapin ang taxi.

-- Ulat ni Raffy Santos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.