2-metrong sawa, nahuli sa Davao

Rodirey Salas, ABS-CBN News

Posted at Dec 08 2017 09:34 AM

DAVAO CITY - Isang sawa na may haba na halos 2 metro ang nahuli ng mga residente sa Palm Village, Obrero, Biyernes ng madaling araw.

Mahigpit na hinawakan ng residenteng si Danilo Namukatkat ang ulo ng ahas bago ito binuhat at isinilid sa isang asul na sako.

Agad na ibinigay ng mga residente ang nahuling sawa sa rumespondeng 911 Animal Rescue.

Ayon sa mga taga Palm Village, simula noong nakaraang taon, ito na ang pangatlong pagkakataon na may nahuling sawa sa kanilang lugar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.