126 katao, huli sa anti-criminality operation sa Parañaque

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Dec 08 2017 08:03 AM | Updated as of Dec 08 2017 09:12 AM

Huli ang 126 ka tao sa anti-criminality operation ng Parañaque Police sa 16 na barangay sa siyudad.

Kabilang sa mga nahuli ay ang 56 na menor de edad na lumabag sa curfew, 33 na umiinom sa kalsada, 10 na nagsusugal, 5 na naglalakad sa kalsada nang walang pang-itaas at 5 na may warrants of arrest para sa kasong estafa, bouncing check, at non-appearance sa korte.

Nakumpiska rin ang 17 motorsiklo dahil palso na o walang rehistro.

Pinapayagang magpiyansa ang mga nahuli habang may karampatang counselling naman ang mga magulang ng mga nasagip na menor de edad.

Pawang first time offenders ang mga nahuli na aminadong alam naman nila ang batas na hindi nila nasunod sa pagkakataong ito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.