Babae patay matapos tagain ng live-in partner

Karren Canon, ABS-CBN News

Posted at Dec 07 2017 10:12 AM

Dead on the spot ang isang 31-anyos na babae matapos na pagtatagain ng kanyang live-in partner sa loob ng kanilang bahay sa Sorsogon, Miyerkoles ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Chiradee Brandes habang sugatan din ang live-in partner nitong si Rian Ergina, 25-anyos, na nagtamo ng mga saksak sa leeg at tiyan at nananatiling nasa kritikal na kundiyon sa ospital.

Sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, lumalabas na posibleng unang nanaksak si Brandes kaya gumanti lamang si Ergina.

Nakapagsumbong pa umano ang kanilang apat na taong gulang na anak na pinapatay ni Brandes si Ergina.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad upang matukoy kung anong naging ugat ng alitan ng dalawa na nauwi sa madugong insidente.

Napag-alaman din na plano na sanang magpakasal ng dalawa ngayong buwan pero iniurong nila ito sa Abril ng susunod na taon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.