Notoryus na 'magnanakaw' ng manok panabong, balik-kulungan

ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2017 10:57 AM

MANILA - Bumagsak muli sa kulungan ang isang lalaki matapos umanong magnakaw ng manok na panabong sa Poblacion, Muntinlupa, Martes. 

Kuwento ng biktimang si Joey Marquez, pumasok sa kaniyang bahay ang kawatan at tinangay ang kaniyang manok na nagkakahalaga ng P20,000 dakong alas-11 ng gabi. 

Nahabol ng mga barangay official ang suspek na kinilalang si Dennis Bacolor, na kilala umano sa pagnanakaw at pagbebenta ng mga manok.

Dalawang beses anilang nakulong si Bacolor noong nakaraang taon dahil sa naturang alegasyon, pero nakalaya siya ng isauli ang ilang manok at patawarin ng pinagnakawan. 

Desidido naman si Marquez na sampahan ng theft laban si Bacolor. Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.