Bangkay ng lalaking may karatula pa, nakita sa Navotas

Ernie Manio, ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2017 09:47 AM

Nakahandusay pa sa gilid ng kalsada ang bangkay ng isang lalaki nang matagpuan Miyerkoles ng umaga sa Navotas City.

May iniwan pang karatula sa bangkay na nakasulat na “Magnanakaw ako wag tularan.”

Alas-4 ng madaling araw nang madiskubre ng isang tricycle driver ang bangkay sa Area 1, Block 26, NBBS. Kaagad namang ipinagbigay-alam ang insidente sa mga pulis.

Ayon sa mga residente, wala silang narinig na mga putok.

Kinilala ang biktima na si Bonifacio Bohol, 27-anyos.

Sabi ng kanyang kapatid na si Rose Ann Baldomero, hindi magnanakaw ang biktima kundi isa itong mangingisda.

Hindi rin daw ito gumagamit ng ipinagbabawal na droga pero aminado silang mahilig itong uminom kung saan nag-iiba ang ugali kapag nalalasing.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.