Lalaki, patay sa pamamaril sa Binondo

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Dec 05 2017 11:07 AM

Patay ang isang lalaki matapos barilin ng hindi pa nakikilalang salarin Martes ng umaga sa Binondo, Maynila.

Ang biktimang kinilala lamang sa kanyang alyas na Michael, taga-Tondo, ay dati nang nakulong sa kasong pagnanakaw, ayon kay Barangay Chairman Domingo Go Vaka.

Base sa mga saksi, nakaupo lang sa gilid ng kalsada sa Sto. Cristo Street ang biktima.

Hindi nila nakita ang suspek ngunit nakarinig sila ng isang putok ng baril bago nakitang humandusay sa daan si Michael.

Ang biktima ay may tattoo sa kanyang leeg na may katagang "Joey de Guzman," nakasuot rin ito ng asul na long sleeves, shorts at puting tsinelas.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.